Hi, good day to you, gusto ko lang mag share about this person na na meet ko last week, after kong bumaba sa car ko, may batang lalaki na biglang lumapit sa akin, bigla lang sinabi sa akin na gusto niyang maging UNO member din someday, medyo na curious ako kasi bata pa siya, nagtanong ako sa kanya kung ilang taon na siya, sabi niya 14 years old pa, ang name niya ay Edmark, isang maruya vendor, taga Boulevard Davao City, nag ask ako bakit niya gusto mag UNO, sabi niya “gusto ko po kasing yumaman, gusto kong maka tulong sa mga magulang ko at magkaroon ng malaking bahay para sa kanila, gusto ko rin mag ka kotse para maisakay ang nanay ko sa kotse ko” sabi ko sa kanya, “buti ka pa marunong kang mangarap sa edad mo na iyan, nangangarap ka para sa pamilya mo” nakaka inspire, buti pa ang bata, nagtanong ako sa kanya nasaan mga mga magulang niya at bakit siya nagtitinda ng maruya, sabi niya, siya ang bumubuhay sa pamilya niya at mga kapatid niya na mas bata pa sa kanya, 3 niyang kapatid ay namumulot ng basura, ang tatay naman niya ay walang trabaho at lagi lang umiinom.
Nakakalungkot isipin na may mga batang ganito, ngunit makikita mo rin sa kanila ang isang pangarap na gusto rin nilang makamit, yung ibang tao pag tinatanong ko ano pangarap, walang maisagot na matino, yung iba hindi alam kung ano ang pangarap, yung iba naman natatawa sa pangarap nila, dahil hindi nila alam ano ang layunin at pangitain nila sa buhay, buti pa ang batang ito, makahulugan ang mga pangarap sa buhay at naiintindihan ano ang pangarap...
Sabi pa niya, pag dating niya ng tamang edad ay papasok siya sa UNO para mag negosyo, alam ko dadating ang panahon makakamit niya ang mga pangarap niya na magsisilbing inspirasyon din sa ibang taong hindi na marunong mangarap sa buhay...