Pages

Monday, April 21, 2014

ABOUT ME


Dear Mayaman,

Hi, thank you for having your time to read my short story, 
I am Allan Jay Rosal, batch 2010 of Millionaires Club in Unlimited Network of Opportunities International Corporation (UNO), I was born in Makati, Metro Manila, and right NOW, dito po ako natira sa Davao City.


I graduated as a Computer Engineer in UIC, I am just an average student in our school, no awards, ang tanging nakuha ko lang po ay Diploma, pero proud pa rin.. ;)


After I graduated, imbis na magamit ko ang kurso na tinapos ko, nakapag trabaho ako bilang WAITER ng mga 2 weeks at the same time, naghugas din ng mga pinggan and believe me, hindi po ako nag enjoy, after that I worked as GRAPHIC ARTIST sa SM in Custom Grafix, na experience ko mag bike ng Five (5) Months papuntang trabaho kahit MAINIT o UMUULAN, dahil maliit lang ang kita ko, 45mins. papunta and 45mins. pauwi...

Kwek Kwek (Egg) naman po ang dinner ko halos araw araw after sa trabaho ko, walang wala kasi talaga ako noong mga panahon na iyon, madalas nalilipasan din ng gutom, at minsan pag minalas talaga, nilalakad ko pauwi pag na flat ang gulong ng bisikleta ko na puro kalawang na rin dahil luma na, hindi ko mapiligan minsan na maluha pag sunod sunod na hirap na ang dinaranas ko, pagod ka na sa trabaho, gutom ka pa, lalakad ka pa pauwi at wala ka pang pera, lalo na pag umulan, nanginginig ka na sa lamig, nanginginig ka pa sa gutom, nanginginig ka pa sa pagod, minsan hindi ko maintindihan at naitatanong ko sa sarili ko bakit ganun ang dinaranas ko.





Tulad po ng marami, na invite ako sa isang seminar, seminar na akala ko computer networking ang pag-uusapan, sobrang duda ako at negative noong mga panahon na iyon dahil parang TOO GOOD to be TRUE ang mga pinag uusapan, kikita raw ng milyon milyon, magkakakotse, makakapagtravel, pwedeng mabibili ang mga bagay na gusto namin, 7 taon akong nakakasali ng mga iba't ibang seminar pero hindi talaga ako sumasali sa mga kumpanya nila, nagkataon lang talaga na nakita ko na maganda ang UNO at iba siya sa mga nasalihan ko, at bukas na ang isip ko na subukan ang opportunity, wala naman mawawala kung susubukan ko...

P200 lang ang pera ko noong na invite ako, wala akong pang simula, marami akong hinihiraman pero imibis pahiramin ako, discouragement lang ang inaabot ko sa kanila, pero hindi ako tumigil at nakagawa rin ako ng paraan...


Noong nakasali na ako, excited ako masyado, pero karamihan sa mga iniimbitahan ko, ayaw sumali, tinatawanan ako, kinukutya ako bakit daw ako NAGPA-UTO, sumubok na rin daw sila ng mga Networking business, wala raw nangyari sa kanila, hindi raw sila yumaman, hindi raw sila nag kakotse, mahirap daw gawin, dapat daw magaling ako magsalita, at unaunahan lang daw... pero hindi ako nakinig sa mga negative, sa mga naging successful ako nakinig, nagpaturo, inaral ko ang sistema, bahalang hindi sila maniwala basta ako NANINIWALA AKO SA SARILI KO NA KIKITA TALAGA AKO..

Maraming hirap, pagod, gutom, rejection, discouragements ang inabot ko po sa negosyo, pero hindi ako bumitaw, maraming hindi naniniwala pero sabi ko sa sarili ko maniniwala ako sa sarili ko, maraming ayaw, pero sabi ko hinding hindi ako aayaw, dahil may mga pangarap ako na dapat ko maabot at sawa na ako sa hirap, at dahil sa mga trainings na itinuro, unti unting kumita at nag resign po ako sa trabaho, at isa sa mga pangarap ko na makabili ng kotse, natupad ng dahil sa UNO, sobrang sarap ng pakiramdam, tatlong (3) araw po ako hindi maka tulog noong nabili ko itong kotse na ito, dahil hindi ako makapaniwala na nabili ko na rin siya, masarap mag drive ng kotse sa kalye kesa mag drive ng bisikleta sa init ng araw.
Sobrang saya ko ng maabot ko rin ang Millionaires Club and Top Earner award. Hindi ko makakalimutan ang araw na after ko nakuha ang award ko na Millionaires Club, niyakap ako ng papa ko sa Araneta at sinabi niya na...


''I'M PROUD OF YOU SON, ITULOY MO YAN, 
YAYAMAN KA TALAGA!''

Maigisi at simpleng salita na nagpatulo ng luha ko noong araw na iyon, dati kasi ayaw talaga ng father ko na mag UNO ako, pero sinunod ko ang gusto ko, sana yakapin ka rin ng magulang mo at matuwa sila pag na awardan ka na ng Millionaires Club, walang katumbas na salapi pag nangyari yun sa iyo.
Sabi ng iba wala raw pong mangyayari sa akin sa UNO, niloloko lang daw ako ng mga nag invite sa akin, pero hindi ako nakinig sa mga NEGATIVE, hinataw ko talaga at nagka AWARDS ako din po ako, masaya ako dahil sa school, wala akong nakukuha na awards, pero sa UNO, nakatanggap ako ng mga awards na sobrang sarap ng pakiramdam pag nabibigyan ka ng mga parangal.
Millionaires Club Awarding at Araneta Colesium


Top Earners Awarding
Sa UNO ko po naranasan na makasakay sa Limousine...
Celebration namin dati para sa mga TOP EARNERS,
buffet sa Manila Bay and konting party.

Dahil sa UNO, nakapag Hongkong Trip kasama ang mga Uplines and business partners, it's a DREAM COME TRUE na maka punta sa Disney and other places in HK, 3 days and 2 nights, 5 star hotel... Sobrang saya.


Top Earners Awarding
sobrang baliw ako noong araw na ito, dahil ito ang sasakyan na pinagamit sa akin ni Sir Herbie Chua papunta sa Big Event namin and awarding of Top Earners.


at isa rin po sa mga pangarap ko, gusto ko po talagang magka sportscar na red, dahil sa UNO, nakabili po ako ng Sportscar na Mazda Rx8.


PUSH BUTTON siya para umandar, hindi siya common car sa Pinas, isang pangarap nanaman ang nakuha ko ng dahil sa UNO, pag bili ko, sobrang saya ko, maganda ang loob, may TV, lakas ng sounds, ganda ng manibela, hindi gaya dati, manibela lang ng bisikleta ang hawak ko pupunta ako sa SM, naka bike, pawis galing sa init at sikat ng araw.
Dati dalawang gulong lang po minamaneho ko, mas ok na ngayon kasi naka kotse na rin ako, mamimili, kung RED ba ang dadalhin ko or YELLOW, amoy lemon, hindi na nababasa ng ulan, hindi na rin sumusulong sa baha, dati puro karinderia, ngayon nakakakain na rin sa mga mamahaling restaurant, sa mga hotel, sa mga resort, kung ano gusto ko kainin nakakain ko na, pag ayaw ko rin kumain sa restaurant, sa karinderya ako kumakain, sanay naman ako at walang pinagbago, dati pangarap ko maging piloto, di nagkatotoo, magiging pasahero pala nila ako sa eroplano, sobra na sa 60x na rin ako sakay ng sakay, napuntahan ko rin ang mga lugar na di ko pa narating dati, nakakapag kape kung saan nagkakape ang mga may kaya, kahit papaano alam ko na rin ang ibig sabihin ng salitang SHOPPING, dati puro lang kasi WINDOW SHOPPING, nabili ko lahat ng mga gadget na gusto ko na dati ko lang tinitingnan sa mga malls, dati iniisip ko paano ko mabibili yung mga iyon, ngayon hawak ko na sila lahat.


Pinagdasal ko lang talaga ito sa Panginoon, na makaahon kahit papaano, marami pa ako masyadong pangarap, marami pa akong gustong marating sa buhay, marami pa akong plano, pero sobrang nagpapasalamat ako kasi may nagbago sa buhay ko, sobra akong nagpasalamat sa Diyos, nakikita Niya lahat ng mga paghihirap natin sa buhay, basta huwag lang bibitaw sa Kanya at huwag tayo mawawalan ng pag-asa.
Alanganin nga po ako na isulat ito dati, pero hindi ko po ginawa ang blog na ito para mang inggit, o magyabang, dahil alam ko wala namang masama na ibahagi ito sa iba. 



Sana nakapagbigay ako ng kahit konting inspirasyon sa iyo, magtulungan tayo na makatulong sa iba, subukan mo ang negosyo namin, marami rin ang susuporta sa iyo dahil lahat kami nagtutulungan.
MAG MESSAGE KA LANG sa FACEBOOK ko, hihintayin po kita. salamat po. ;)